Driver, 13-anyos pinabulagta
COTABATO CITY , Philippines – Bumulagta ang isang habal-habal driver at isang 13-anyos na binatilyo sa magkahilaway na insidente ng pamamaril sa Parang, Maguindanao. Kinilala ni P/Insp. Erwin Tabora, hepe ng Parang Maguindanao Police ang namatay na driver na si Jessie “Kokong” Ilumbra Matood, 31 anyos, may-asawa, at taga Purok Greenhills, Brgy. Making ng nasabing bayan na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo nang pagbabarilin ng gunman pasado ala-1:00 ng hapon kahapon. Namamasada ang biktima nang tambangan ng mga salarin sa lugar. Samantala, dead-on-the-spot ang isang 13-anyos na binatilyong si Roy Jay Campo habang nakaligtas naman sa pamamaril ang mga kasamahang sina Nielo Lauron, 49-anyos at Carlito Adlawan, 50-anyos kapwa ng Sto. Niño, Tukuran, Zamboanga del Sur. Sa ulat, alas-9:30 kamakalawa ng gabi habang sakay sa pump boat ang mga biktima sa bisinidad ng Bongo Island na ng tambangan at paulanan ng bala ng ’di kilalang mga suspek.
- Latest