^

Illegal na troso, nasabat

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2016 - 9:00am

NORTH COTABATO, Philippines - Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Task Force Kabacan at Traffic Management Unit ang dalawang trailer na naglalaman ng mga illegal na troso sa USM Compound Checkpoint sa Aringay Road, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Sa ulat ng Kabacan PNP, nagmula ang mga illegal na troso sa Barangay Pisan kung saan planong ipuslit sa nasabing bayan nang masabat ng mga awtoridad. Wala namang maipakitang kaukulang papeles ang mga drayber at pahinante ng dalawang trailer kaya dinala ang mga nasamsam na kahoy sa munisipyo. Sinasabing ang mga illegal na troso na karamihan ay G-melina ay mula pa sa Pisan Water-Shedna na protected area.

ARINGAY ROAD BARANGAY PISAN COMPOUND CHECKPOINT KABACAN MGA NASABAT NORTH COTABATO PISAN WATER-SHEDNA SINASABING TASK FORCE KABACAN TRAFFIC MANAGEMENT UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with