P80 million heavy equipment narekober sa barikada ng mga sekyu sa Batangas
BATANGAS – Hindi bababa sa 16 heavy equipment na nagkakahalaga ng P80-million na pag-aari ng isang construction firm ang narekober ng mga awtoridad kasunod ng pagharang ng grupo ng mga pribadong security guards na nagbarikada sa kalsada sanhi ng bahagyang tensyon sa Barangay Bagong Silang, Calatagan, nglalawigang ito.
Ilang dambuhalang backhoe, mini at heavy-truck at iba pang makina na pag-aari ni Architect Rafael Dalmacio Bernado Tecson, may-ari ng RDBT construction firm, ang kabilang sa mga kagamitan na iniulat na hindi marekober mula sa paupahang lupain na pag-aari ng pamilyang Caisip matapos na ang mga guwardyang armado ng mahaba at maikling baril ay hindi sumang-ayon sa isang diyalogo, kamakailan.
Ang mga guwardiya ay iniulat na umano’y inutusan ng Sandari management na mahigpit na bantayan at naglagay ng ilang bakal at wire bilang harang sa posibleng daraanan.
Dahil dito, nagkaroon ng kaunting tensyon sa pagitan ng grupo ni Tecson at nasabing mga guwardiya na nagdulot ng takot sa mga residente at komunidad. Kaya humingi na ng tulong si Tecson sa pulisya at punong barangay upang iulat sa mga awtoridad nang may ilang lalaking armado sa naturang lugar.
Ayon kay Tecson, may hindi pagkakaunawaan na mga isyu at kasunduan sa kontrata sa pagitan ng bagong pagmamay-ari ng Sandari Co. at RDBT construction firm.
Nagsampa na si Tecson ng mga inisyal na reklamo at ulat sa awtoridad saka nagpa-blotter sa barangay na pinamumunuan ni Chairman Joel Rico laban sa presensya ng mga security guard.
Pinangunahan noong Linggo ni Major Julius Almeda, hepe ng Calatagan Police, ang mga tauhan sa lugar para sa seguridad sa naturang lugar at upang maiwasan ang anumang hidwaan sa pagitan ng dalawang grupo.
- Latest





















