Pastora ni-rape ng pinsan
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng 41-anyos na pastora ng isang sekta ng relihiyon matapos itong gahasain ng sariling pinsan sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion, bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Reagan Tomas, 29, habang ang biktima naman na Pastora ay itinago sa pangalang Ligaya, kapwa nakatira sa Sitio Letleteng sa nabanggit na bayan. Base sa police report, lumitaw na kumatok sa bahay ng biktima ang suspek mula sa pagtitipon kung saan malugod naman na pinatuloy. Subalit dito na ikinulong at pinagsamantalahan ng suspek ang kanyang pinsan. Nakatiyempo naman ang biktima na makatakas at nagsuplong sa kinauukulan kaya naaresto ng pulisya ang suspek na pinaniniwalaang sinapian ng espiritu ng rapist.

AMBAGUIO BARANGAY POBLACION LIGAYA MASAKLAP NAKATIYEMPO NUEVA VIZCAYA PORMAL REAGAN TOMAS SITIO LETLETENG SUBALIT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with