^

Probinsiya

Ex-Army tinodas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army habang sugatan naman ang kasama nitong  municipal meat inspector makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Gulod, Talavera, Nueva Ecija nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Reynaldo dela Cruz, hepe ng  Talavera Police, ang nasa­wing biktima na si Noel Tabuga, 56, may-asawa at tubong Basilan na idinekla­rang dead-on-arrival sa PJG Extension Hospital.

Patuloy namang nilala­patan ng lunas sa pagamutan sa Cabanatuan City ang sugatang si Rosario Baldedara-Esguerra, 51, biyuda, municipal meat inspector ng Talavera at residente ng Brgy. Bantug Hacienda ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-12:28 ng ma­daling-araw, lulan ng tricycle ang mga biktima patungo ang sa slaughter house na matatagpuan sa New Public Market sa Brgy. Maestrang Kikay District ng pagbabarilin ng riding in tandem na mga armadong salarin na agad na tumakas.

Kasalukuyan pang ina­alam ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa mga bik­tima­.

 

BANTUG HACIENDA

BRGY

CABANATUAN CITY

EXTENSION HOSPITAL

MAESTRANG KIKAY DISTRICT

NEW PUBLIC MARKET

NOEL TABUGA

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with