^

2 pang suspek sa masaker, sumuko

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2013 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Dalawa pa sa siyam na pangunahing suspek sa pagmasaker at pagsunog sa tatlong caretaker ng ilog sa Pudtol, Apayao ang sumuko sa pulisya sa bayan ng Kabugao kamakalawa.

Pormal naman isinailalim sa tactical interrogation ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia ang mga suspek na sina Beltran Francisco, 31; at Bryan Bernal, 21.

Samantala, tugis na rin ng pulisya ang ama ni Bryan na si Dionisio “Dang-ew” Bernal na sinasabing nanguna sa brutal na krimen.

Kasunod nito, isinangkot ng Bryan ang iba pang suspek na mag-uutol na Tubban Luban at Marcelo Luban at anak nitong si Alex kasama si Charlie Iguad. Sina Devera Dandan at Jerald Daluquis ay naunang sumuko sa pulisya.

Ang mga suspek ay isinabit sa pagpatay at pagsunog sa mga bangkay nina Felix Matulot, 75; Jason Acob, 29; at si Rogelio Rupad, 39, kaugnay sa alitan sa pangisda sa ilog na nasa ilalim ng tribal “Lapat” (fish ban).

 

ALBERTLITO GARCIA BELTRAN FRANCISCO BRYAN BERNAL CHARLIE IGUAD FELIX MATULOT JASON ACOB JERALD DALUQUIS MARCELO LUBAN ROGELIO RUPAD SENIOR SUPT SINA DEVERA DANDAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with