^

PSN Opinyon

Lunas sa premenstrual syndrome

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA mga kababaehan, kung kayo ay regular na nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabagu-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome (PMS).

Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pama­magitan ng lifestyle changes.

1. Baguhin ang iyong diet.

l Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.

l Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.

l Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.

l Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.

l Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.

2. Ang regular na pag-eehersisyo ay maaaring magpakalma ng maraming mga sintomas.

3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.

l Iplano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.

l Magkaroon ng sapat na tulog

l Magsanay ng pang-parelax na therapy. Ang pagsa­sanay ng malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pag­katulog.

Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pama­magitan ng lifestyle changes, kumunsulta sa iyong doktor.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with