^

PSN Opinyon

Saklaw ng gobyerno ang mga obispo, pastor

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NILANTAD ko nu’ng 2011 ang limang obispong Katoliko na tumanggap ng Pajero mula kay President Gloria Maca­pagal-Arroyo. Pinaboran ng Malacañang ang isang relihiyon. Paglabag ‘yon sa patakaran ng Konstitusyon na paghi­hiwalay ng Estado sa simbahan. Agad nag-imbestiga ang Kongreso.

Mapagkumbabang dumalo ang mga obispo sa pagsi­siyasat. Isinauli nila sa gobyerno ang mga mamahaling SUVs. Humingi sila ng paumanhin sa publiko, bagamat Pre­si­dente ang nagkasala.

Kabaliktaran ang nangyayari ngayon sa kaso ni pastor Apollo Quiboloy, Appointed son of God ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao. Ipinatatawag siya ng Senado sa imbes­ti­gasyon sa umano’y paulit-ulit na human trafficking, pangga­gahasa, abusong sekswal, at pananakit at pagyurak sa kara­patang pambata.

Ipinatatawag din siya ng Kamara de Representantes dahil sa umano’y pagmamay-ari niya sa Sonshine Media Network International. Balak kanselahin ang prangkisa ng SMNI dahil sa pagkalat ng fake news.

Tinanggihan ni Quiboloy ang dalawang imbitasyon. Batay­ ito marahil sa kanyang pagninilay o sa payo ng abogado. Hina­tulan na umano siya ng Senado at Kamara. Ano man daw ang sabihin niya ay magiging pagdawit sa sarili sa krimen.

Marahil na naipangaral na ni Quiboloy ang Roma 13:1 at 3: “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan­, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral… Ang mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila.”

Maski si Hesukristo ay nagpaaresto sa awtoridad, bagamat nagtahimik lang siya sa mga paratang.

vuukle comment

MALACAñANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with