^

PSN Opinyon

Tamang pag-aalaga sa mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

HUWAG pabayaan ang mga mata. Puwede itong masira kapag naging pabaya. Para makaiwas sa mga seryosong sakit tulad ng glaucoma, diabetic eye disease at katarata, sundin ang mga sumusunod:

1. Kumain ng mga maber­­deng gulay tulad ng kangkong, broccoli, talbos ng kamote at spinach. Nagpapalinaw ito ng paningin. Ang karot, kalabasa at kamatis ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi ay ma­halaga rin.

2. Magsuot ng sunglass. Bukod sa pagiging sosyal at “in,” pinuprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masa­samang ultraviolet rays ng araw. Ang ultra­violet rays ay puwedeng “makasunog” sa retina ng mata. Bumili ng sun­glass na may markang UV-A at UV-B protection.

3. Mag-ehersisyo. Alam ba ninyo na ang 30 minutos na ehersisyo ay puwedeng magpababa ng pressure ng mata? Ang paghinga nang malalim at pagrelaks ay makatutulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.

4. Mag-ingat sa sports. Magsuot ng espes­yal na protection eyeglasses, na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic.

5. Maghugas ng kamay para makaiwas sa sore eyes. Huwag ding basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.

6. Ipahinga ang mata. Puwede mong ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinaka­usap sa telepono. Matulog din ng 7-8 oras.

7. Maghugas ng mata sa paggising at bago matulog. Gumamit ng malinis na tubig.

8. Ipa-check ang blood sugar. Kung ika’y may diabe­tes, malaki ang tsansang magkaroon ng diabetic eye disease.

9. Umiwas sa nakasi­silaw na bagay. Huwag tum­itig sa araw at maliwanag na ilaw.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with