Kiefer niresbakan si Bobby Ray
MANILA, Philippines — Binawian ni Kiefer Ravena at ng Shiga Lakestars si Bobby Ray Parks Jr. at ang Nagoya Diamond Dolphins matapos kunin ang 110-79 panalo sa kanilang rematch sa Japan B.League kahapon sa Dolphin’s Arena.
Tumapos si Ravena na may 16 points, 9 assists, 3 rebounds at 3 steals para sa pagresbak ng Lakestars, may 6-2 record, sa Diamond Dolphins (4-4) na tumalo sa kanila, 107-68, noong Sabado.
Binanderahan ni Ovie Soko ang Shiga sa kanyang 26 points.
Nalimitahan naman si Parks sa 7 points matapos kumamada ng season-best 22 sa naunang panalo ng Nagoya.
Samantala, tinapos ng San-en NeoPhoenix ang kanilang tatlong sunod na kamalasan nang talunin ang Ibaraki Robots, 83-66, sa Kamisu Disaster Prevention Arena.
Nagtala si Thirdy Ravena ng 7 points, 7 rebounds at 5 assists para sa Neo-Phoenix (3-5).
Nabigo naman si Dwight Ramos sa kanyang 3-point attempt na nagresulta sa 80-83 kabiguan ng kanyang Toyama Grouses (0-8) laban sa Ryukyu Golden Kings (6-2) sa Toyama Seibu Sports Center.
- Latest



















