^

PSN Palaro

Choco Mucho target ang semis spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Choco Mucho target ang semis spot
Dindin Santiago-Manabat
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakapagpahinga ng isang araw kahapon ang Choco Mucho upang makalikom ng sapat na lakas para sa importanteng quarterfinal match nito ngayong araw sa 2021 AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ibubuhos na ng Pinay Spikers ang buong pu­wersa nito upang makahirit ng tiket sa semifinals.

Haharapin ng Choco Mucho ang Altay-Kazakhs­tan sa alas-7:30 ng gabi (Manila time).

Magiging palaban na ang Choco Mucho dahil nakabalik na sa lineup sina Dindin Santiago-Manabat, Ivy Lacsina at Eya Laure na nabigyan na ng clearance.

Inaasahang makakatuwang ni Santiago-Manabat sa opensa sina middle blocker Majoy Baron, opposite hitter Kim Dy at outside hitter Faith Nisperos.

Nagtala si Nisperos ng walong puntos sa kanilang huling laro laban sa Supreme Chonburi-Thailand habang nag-ambag naman si Baron ng pitong hits.

May tig-anim sina Santiago-Manabat at Dy.

Magdadagdag ng puwersa para sa Choco Mucho ang isa pang bagitong si Mhicaela Belen na naglista ng 13 hits sa kanilang unang laro kontra sa Zhetysu-Kazakhstan noong Biyernes.

Sa kabilang banda, malalaman pa ang makakasagupa ng Rebisco sa quarterfinals sa magiging resulta ng laban nito kontra sa Saipa Tehran-Iran sa Linggo ng gabi.

AVC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with