GAB pumayag sa volleyball training
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Games and Amusements Board (GAB) ang pagsisimula ng training ng sister teams na Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.
Idaraos ng Cool Smashers at Flying Titans ang training sa St. Paul American School sa Clark Freeport Zone.
“Considering the alarming spike in the number of Covid-19 cases, I am happy to learn that two teams of PVL have decided to stage their conditioning inside a bubble. This move is really an added safety measure, ” ani GAB chairman Baham Mitra.
Bago simulan ang training, sumailalim sa swabt test ang lahat ng players, coaches at staff na papasok sa training bubble.
Mahigpit na patakaran ang ipatutupad sa loob ng bubble para masiguro na ligtas ang lahat.
Bantay-sarado ng GAB ang bawat galaw sa bubble tulad ng ginawa nitong pagbabantay sa PBA bubble noong nakaraang taon sa Clark, Pampanga.
Kasama sa Creamline players sina Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza, Michele Gumabao, Kyla Atienza, Risa Sato, Jeanette Panaga, Pau Soriano, Kyle Negrito, Celine Domingo, Tots Carlos at Rosemarie Vargas.
Nasa Choco Mucho naman sina Deanna Wong, Maddie Madayag, Kat Tolentino, Bea de Leon, Denden Lazaro, Ponggay Gaston, Jamie Lavitoria, Kim Gequillana, Regine Arocha, Caitlyn Viray, Arianna Angustia, Dancel Dusaran at Shannen Palec.
Nauna nang nakapagsimulang mag-ensayo ang mga PVL teams noong Marso subalit naudlot ito matapos ilagay sa mahigpit na community quarantine ang NCR plus bubble.
“We gave them the initial approval to conduct conditioning in some areas in Metro Manila last March. But in order to ensure the safety of our professional athletes and sports officials, we decided to recall our initial approval,” ani Mitra.
- Latest

















