TNT reresbak sa game 2
Dumadagundong na slam dunk ang ginawa ni Japeth Aguilar ng Ginebra laban kay TNT player Troy Rosario sa Game One ng PBA Finals.
PBA Image

TNT reresbak sa game 2

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May mga defensive patterns si head coach Bong Ravena na hindi nagawa ng kanyang mga Tropang Giga, lalung-lalo na sa overtime period.

Ang resulta nito ay ang 100-94 overtime win ng Barangay Ginebra laban sa TNT sa Game One ng 2020 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“May hindi nangyayari kaya ganyan ‘yung game,” sabi ni Ravena. “Stick to the game plan dapat, especially sa depensa. Kung anong gagawin namin, kung anong rotation ba kailangan and do the little things like boxing out.”

“Iyong mga maliliit na bagay hindi namin nagagawa,” dagdag pa nito.

Ang ilan sa mga tinutukoy ni Ravena ay ang libreng layup ni rookie Arvin Tolentino sa regulation period habang wala namang naibigay na depensa ang Tropang Giga kina Stanley Pringle, Aljon Mariano at Japeth Aguilar sa extension.

Humakot ang 6-foot-8 na si Aguilar ng 25 points at 16 rebounds at nagtala si Pringle ng 24 points, 7 boards at 7 assists para sa 1-0 abante ng Ginebra sa kanilang best-of-seven championship series ng TNT.

Tumapos naman ang 14-year veteran guard na si LA Tenorio na may 12 points, 10 assists at 5 rebounds at wala ring nagawang turnover sa loob ng 43 minuto para sa koponan ni mentor Tim Cone.

“So we got a lot of contributions, and that’s the way it has to be when we play this team. No one person will be able to beat (TNT),” sabi ni Cone. “It’s gotta be as a team, everybody contributing. Everybody stepping up.”

Kumpiyansa si Ravena na maitatabla ng Tropang Giga ang kanilang serye ng Gin Kings sa Game Two bukas.

“Wala namang kaila­ngang baguhin talaga. Iyong maliliit na bagay lang,” wika ng 50-anyos na si Ravena sa kanyang TNT na nakahugot kay Ray Ray Parks Jr. ng 20 points, 5 steals, 4 rebounds at 4 assists.

Nagdagdag naman si RR Pogoy ng 19 markers habang may 14, 12 at 10 points sina Jay Washington, Jayson Castro at Poy Erram, ayon sa pagkakasunod.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with