^

PSN Palaro

Bacoor Strikers mainit ang debut

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada si Oping Sumalinog ng 22 puntos upang iangat ang Bacoor Strikers sa 76-71 panalo kontra sa Cebu Sharks sa pagpapatuloy ng  2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Muntinlupa City Sports Complex.

Si Sumalinog na standout ng ABL champion Alab Pilipinas ay umani ng 22 puntos, pitong rebounds at dalawang blocks kabilang na ang kanyang undergoal shot para ilayo ang Strikers, 74-70 mahigit 48 segundo na lang ang natitira.

Dahil sa kanilang pa­nalo, ang Strikers ni coach Budds Reyes  ay nakisalo sa five-way tie sa ikalawang puwesto sa South Division kasama ang Anta Rajah Cup champion Batangas Athletics, Davao Tigers, Zamboanga Valientes at Parañaque Patriots sa parehong 1-0 win-loss kartada.

“Ako po ay labis na natutuwa sa unang pagkakapanalo ng ating Bacoor City Strikers.  At mas naging masaya ako na makita ang Bacooreños na proud at masaya,” pahayag ni Rep. Strike Revilla.

Sa ikalawang laro, nasikwat ng Muntinlupa Ca­gers ang ikalawang sunod na panalo nang  igupo ang  Marikina Shoemakers, 85-76 para okupahan ang solo top spot sa South Division.

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

OPING SUMALINOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with