^

PSN Palaro

UP pinayuko ang UE

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napigilan ng University of the Philippines ang magandang simula ng University of the East upang iselyo ang 25-14, 22-25, 25-23, 25-23 panalo at makulay na tapusin ang kampanya nito sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Nanguna sa opensa ng Lady Maroons si Isa Molde nang pumalo ito ng 19 puntos tampok ang apat na aces kasama pa ang pitong digs at apat na receptions habang nagdagdag naman si Diana Carlos ng 14 mar­kers at siyam na digs.

Maganda rin ang laro ni Marian Buitre na nagdag­dag ng 11 puntos bago lisanin ang kampo ng UP kasama ni setter-spiker Arielle Estranero na tuluyan nang natapos ang kanilang five-year playing eligibility sa liga.

Isasara ng Lady Maroons ang season na ito tangan ang 6-8 baraha.

Tinapos naman ng Lady Warriors ang ka­nilang kampanya bitbit ang 2-12 rekord.

Sa ikalawang laro, bi­nigyan ng Adamson University ng magandang pa­baon ang mga gradua­ting players nito makaraang pulbusin ang University of Santo Tomas, 25-6, 25-23, 25-23 para wakasan ang kanilang kampanya bitbit ang 6-8 marka.

Ito ang huling laro nina Jema Galanza, Mylene Paat, Fenela Emnas at Jellie Tempiatura para sa Lady Falcons.

Bagsak naman ang UST sa 4-10.

Umiskor si Shaya Adorador ng 15 puntos sa kanyang huling laro para sa UE.

Sa men’s division, pinayuko ng UST ang Adamson, 25-23, 21-25, 25-16, 25-17 upang maipuwersa ang playoff para sa huling tiket sa Final Four.

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with