^

PSN Palaro

La Salle, UP nais sumampa sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hangad ng nagdedepensang De La Salle University at University of the Philippines na makisalo sa liderato sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women's volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Lady Spikers ang University of Santo Tomas sa alas-4 habang lalarga ang Lady Maroons kontra sa University of the East sa alas-2.

Galing ang La Salle sa pahirapang 29-27, 25-22, 25-23 panalo laban sa Far Eastern University, habang ang UP naman ay buhat sa mabilis na 25-18, 25-11, 25-18 pagdispatsa sa Adamson University.

Magkasosyo ang Lady Spikers at Lady Maroons sa ikalawang puwesto  bitbit ang parehong 1-0 marka habang nangunguna ang National University na may malinis na 2-0 rekord matapos pabagsakin ang Ateneo de Manila University noong Miyerkules.

Sa kabila ng pagkawala ng key players na sina Ara Galang at Mika Reyes, matikas pa rin ang Lady Spikers dahil nariyan pa rin sina setter Kim Fajardo Majoy Baron at Kim Dy.

Ngunit kailangang mag-ingat ng La Salle dahil desididong makabawi ang UST na galing sa 20-25, 21-25, 22-25 kabiguan sa kamay ng Ateneo.

Inaasahang ilalabas nina EJ Laure at Cherry Rondina ang bangis nito kasama sina middle b­locker Ria Meneses, open hitter Pam Lastimosa at opposite spiker Chloe Cortez.

Sa kabilang banda, wa­lang puwang ang pagiging kumpiyansa para sa UP dahil alam ni coach Jerry Yee na may ibubuga ang UE.

Pinatunayan ng Lady Warriors na may naita­ta­go itong bangis nang ma­kakuha ng isang set sa Lady Bulldogs sa kanilang unang laro subalit kinapos ito sa mga sumunod na sets para anihin ang 25-18, 20-25, 23-25, 13-25  pagyuko.

“Matatangkad iyon at hindi natin puwedeng i-underestimate iyon. Tsaka yung defense nila, maganda,” pahayag ni Yee patungkol sa Lady Warriors. 

Papalo para sa Lady Maroons sina Kathy Bersola, Diana Carlos at Isa Molde na tutulungan nina setter Ayel Estrañero at libero Princess Gaiser.

Tatapatan naman ito ng UE sa ngalan nina skipper Shaya Adorador, Meanne Mendrez, Judith Abil at Roselle Baliton.

 

 

vuukle comment

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with