_ngayon
^

FEU-NRMF lusot sa 2-OT

(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dumaan sa dalawang overtime ang FEU-NRMF bago nailusot ang 106-100 panalo laban sa Cars Unlimited at manatiling walang talo sa 4th  DELeague In­vitational basketball tournament nitong Sabado ng gabi sa Marikina Sports Center.

Itinabla sa huling pagkakataon ni Jopet Quiro ng Cars Unlimited ang iskor sa 96-all, may 2:41 pa ang natitira sa ikalawang overtime pero umararo ng anim na sunod  ang FEU-NRMF para makuha ang 102-96 kalamangan, may 1:29 na lang ang nalalabi

Sina Edwin Asoro, De­von Sullivan at Anthony Hargrove ay umiskor ng tig-20 puntos para tumabla ang FEU-NRMF sa Siargao Legends (2-0) para sa pangunguna sa Group B.

Tinambakan ng nagdedepensang kampeong Hobe Bihon-JVS ang Phi­lippine National Police,  96-69, sa isa pang laro

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Hobe Bihon-JVS sa  ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911.

Sa iba pang laro, tinalo ng Sta.Lucia Land Inc. ang Supremo Lex Builders-OLFU, 85-71, at naungusan ng Team Mercenary ang MBL Selection ng Marist School,  61-59.

ANTHONY HARGROVE BANK BLUE WAVE MARQUINTON BRANCH CARS UNLIMITED EQUIPMENT SALES AND RENTAL GROUP B HOBE BIHON JOPET QUIRO LUCIA LAND INC LUYONG RESTAURANT CONCEPCION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with