^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Baha na may leptospirosis

Pilipino Star Ngayon

PAALALA ng Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa paglusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga o leptos­pirosis. Kung lulusong sa baha, magsuot ng bota. Kung may sugat sa paa, binti o hita, huwag nang lumusong sa baha sapagkat dito pumapasok ang virus na leptospira na sanhi ng leptospirosis.

Sa Quezon City, may nai-report ng 31 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Marso 26, 2026.

Noong nakaraang taon, tumaas ng 38 percent ang kaso ng leptospirosis sa kaparehong­ buwan. Pinakamataas ang kaso sa Davao City na nakapagtala ng 94 na kaso at 23 ang namatay. Dumami rin ang kaso sa Cordillera Region na nakapagtala ng 22 kaso.

Sabi ng DOH huwag balewalain ang leptos­pirosis. Kapag marumi ang paligid, maraming daga at ang mga ito ang karaniwang pinanggagalingan ng virus. Ayon sa DOH, hindi lamang­ sa ihi ng daga nagmumula ang leptospirosis­ kundi maging sa iba pang hayop.

Kapag pumasok ang virus sa binti at paa, lilitaw ang mga sintomas ng leptospirosis. Makararanas ng lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, pa­nanakit ng ulo at kulay tsa ang ihi.

Karamihan sa mga nagkaka-leptospi­rosis­ ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Sa mga kalsada sa Metro Manila karaniwan nang makakakita ng mga batang nakalublob sa baha. Mayroon ding dumadayb sa estero. Walang pakialam ang mga bata habang naglulunoy sa baha na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DOH na ma­kikipag-ugnayan sila sa LGUs para tuluyang­ ipag­bawal ang paliligo sa baha. Noong naka­raang taon din dumami ang mga nagka-leptos­pirosis at nagsiksikan sa mga ospital ang mga pasyente.

Magtulung-tulong ang mamamayan sa pag­lipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay.

Magsagawa pa ng kampanya ang DOH upang maipabatid sa publiko ang panganib ng leptos­pirosis. Maraming nag-aakala na simpleng sakit lang ito. Kapag tinamaan ng leptospirosis, na­a­apektuhan o nasisira ang kidney kaya isinasa­ilalim sa dialysis ang pasyente. Magdoble ingat sa leptospirosis.

Sundin ang paalala ng DOH na mag-ingat sa sakit. Sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak. Huwag pabayaang maligo sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Kadalasang ang mga bata ang naglulunoy sa baha at walang kamalay-malay na iyon ang magdadala sa kanila sa pagkakasakit na maaring humantong sa kamatayan.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with