^

PSN Opinyon

Walang kuwenta ang kaso

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

Ang kasong ito ay tungkol sa foreign divorce na kinuha ng isang banyagang lalaki na kasal sa isang Filipina. Sa ilalim ng batas (Art. 26 Family Code), ang diborsiyong legal na kinuha ng banyagang asawa sa ibang bansa ay magbibigay ng karapatan sa asawang Pilipino na muling magpakasal sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Pero kailangan muna na magsampa ng petisyon ang asawang Pilipino para kilalanin sa ating hukuman ang desisyon ng diborsyo mula sa ibang bansa. Ito ang ginawa ng Pilipina sa kasong ito pero nabasura pa rin ang kanyang petisyon. Alamin natin kung ano ang nangyari sa kasong ito ni Joanne.

May anim na taon na ang nakalipas mula nang magpakasal si Joanne kay Ralph na isang Norweigian na nakatira sa Norway ayon sa ulat ng kasal nila na inilabas ng Philippine embassy sa Oslo. Ang mag-asawa ay nanirahan sa Norway ng dalawang taon bago naghiwalay dahil sa personal na problema. Si Ralph ang kumuha ng divorce laban kay Joanne at ayon sa Norwegian Marriage Act ay nagkaroon ng pinal na diborsyo na inilabas ng Country Governor ng Oslo matapos ang isang taon. Sa pamamagitan ng authentication, pinatunayan ng Vice Consul ng Pilipinas ang nasabing diborsyo.

Pagkalipas ng anim na buwan ay nagsampa ng petisyon si Joanna sa RTC ng kanilang probinsiya para kilalanin ang kasulatan ng diborsiyo mula sa Norway at para utusan ng hukuman ang Civil Registrar General pati ang Department of Foreign Affairs (DFA) na gumawa ng kaukulang anotasyon tungkol dito sa rekord ng kanyang kasal. Nagsumite siya ng 1) kopya ng kanyang kasal mula sa Philippine Statistics Authority; 2) orihinal na kopya ng decree of divorce pati translation (authenticated by Vice Consul, Philippine embassy, Oslo, Norway); at 3) kopya ng Norweigian Marriage Act No. 47.

Matapos ideklara na sapat ang laman at porma ng petisyon ay inutos ng RTC na padalhan ni Joanne ng kopya ng petisyon ang Office of the Civil Registrar General (OCRG), Provincial Prosecutor, at pati PSA. Pagkatapos ay inilathala sa dyaryo at ipinaskil sa bulletin board ng Provincial Capitol at RTC ang petisyon para makasunod sa jurisdictional requirements. Nagsumite rin ng ibang ebidensiya tungkol dito si Joanne na tinanggap ng RTC. Walang ebidensiya na inihain ang estado, PSA at OCRG pati walang naging pagtutol sa petisyon kaya agad na itong isinalang para sa kaukulang hatol. (Itutuloy)

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with