^

MGCQ, meron ba o wala?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Sabi ni Health Secretary Duque, reding-redi na ang pagpapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) sa buong bansa kahit may available nang bakuna o wala pa.

Pero sa deklasyon kamakalawa ni President Duterte, hindi magpapatupad ng MGCQ hangga’t walang available na bakuna. Sabay lumabas sa pahayagang ito ang magkasalungat na balita. Siyempre mas kapani-paniwala ang Pangulo.

Marahil opinion lang ni Duque ang kanyang sinabi. Aniya, napanatili ng bansa sa manageable level ang panga­ngasiwa sa pandemic kaya naniniwala siyang handang-handa na ang bansa para sa mas maluwag na quarantine protocols ng MGCQ.

Ngunit ang nanggaling sa labi ng Pangulo ay siyang pinal na mangyayari. Wala munang MGCQ habang hindi pa niro-roll-out ang mass vaccination program. Gaya ng ibang cabinet members, si Duque ay alter-ego ng Pa­ngulo. Hindi siya dapat magpahayag ng sariling opinion lalo pa’t salungat sa pananaw ng Pangulo. Nakakahiya. Lumalabas na walang nagkakaisang tinig ang Pangulo at kanyang mga opisyal sa sangay ng ehekutibo.

Nakakaumay na sa pandinig ang mga pangakong da­rating na ang bakuna na nagsimula noon pang isang taon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nangyayari. Ang balita ngayon ay tumanggap na ng approval ng ating FDA for emergency use ang Sinovac na gawa sa China. Ngu­­nit sinasabi naman na hindi ito advisable iturok lalo na sa mga senior citizens at health workers na siyang most vul­nerable sa karamdaman.

Pati raw ang Pangulo ay inip na inip na sa long overdue na pagdating ng mga bakuna gayung kahit sa mga mahihirap na bansa ay nag-umpisa na ang pagbabakuna.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with