^

PSN Opinyon

Eczema at dermatitis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang eczema at dermatitis ay kadalasang patse-patse, namumula at makati. Ang patse ay maaaring makapal, at nagbubuo ng mga paltos at may sugat kung malala.

Klase ng dermatitis:

1. Contact dermatitis – Ito ay resulta ng direktang pag­dikit ng balat sa mga puwedeng pagsimulan ng iritas­yon kabilang dito ang rubber, metal, alahas, pabango at mga pang-make-up.

2. Neurodermatitis – Sobrang pangangati ito dahil na rin sa pagkamot mismo ng tao sa sariling balat. Maaring nag-umpisa ito sa maliit na kagat, galos o pagkiskis sa balat. At noong nangati ay patuloy nang kinamot ang balat hanggang sa lumaki ang sugat.

3. Seborrheic dermatitis (tawag ay cradle cap sa sanggol) – Kadalasang lumalabas ito sa anit at mukha na parang makating balakubak o madulas-dulas na kaliskis.

4. Atopic dermatitis – Ito ng dahilan ng pangangati, pagkapal at pagbitak ng balat na kadalasan ay makikita sa pagitan ng braso, bisig o sa likod ng tuhod. Ito ay namamana sa pamilya at kadalasan ay may kasamang allergy.

Para maiwasan at malunasan:

1. Subukang alamin at iwasan ang mag-trigger – Ang mga posibleng sanhi ay pagbabago ng temperatura, pag­papawis at stress. Iwasan din madikit ang balat sa mga wool na tela at mga matatapang na sabon na panligo at panlaba.

2. Maglagay ng anti-itch cream o calamine lotion sa apektadong balat – Nagbibigay ang doktor ng 1% hydro­cortisone cream na pangtanggal ng kati. Maaari ring uminom ng anti-allergy na tableta kung sobra ang pangangati.

3. Iwasang kamutin ang sugat – Takpan ang parte ng balat na makati kung hindi mapigilan ang pagkamot. Gupitin din ang kuko at magsuot ng gloves sa gabi bago matulog para hindi makalkal ang sugat.

4. Maglagay ng cold compress – Balutin ang bahagi ng balat ng bandage, makatutulong ito para protektahan ang balat.

5. Maligo ng maligamgam na tubig -- Pumili ng mild soap na walang amoy at siguruhin na mabanlawan ang buong katawan ng maigi.

6. I-moisturize and balat – Gumamit ng oil o cream para manatili sa balat ang moisture. Gawin ito pagkatapos maligo.

7. Magsuot ng damit na malambot at presko sa pakiramdam – Iwasang magsuot ng magaspang, masikip at makati.

8. Magpatingin sa doktor – Kung masakit ang balat o may impeksyon sa balat, kumunsulta sa inyong doktor. Subukan ang aking mga payo.

vuukle comment

DERMATITIS

ECZEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with