^

PSN Opinyon

Mabungang Kongreso palaging binabato

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SALUDO tayo sa House of Representatives. Dalawang buwan pa lamang ay napakarami nang bills ang naihain na umaabot ng limang libo. Iba talaga kapag may Speaker gaya ni Alan Cayetano. Ang mga repormang nabanggit ng Pangulong Duterte sa kanyang State-of-the-Nation Address (SONA) tulad ng iba’t ibang tax reform at economic reform bills,  ay mabilis na naaksyunan. 

Ang higit na mahalagang nabigyan ng aksyon ng House ay ang panukalang 2020 National Budget naipasa noon pang September 20 sa third and final reading. Iyan ang HB 4228 o General Appropriations Bill (GAB).  Ito’y ilang minuto lang matapos naipasa sa plenaryo on second reading ang naturang bill. Puwede ito dahil nasertipikahan ng Pangulo na priority at urgent ang GAB. 

Iba ang power of persuasion ni Cayetano. Hinimok ang mga kapwa niya kongresista na magtrabaho sa session sa loob ng sunud-sunod na siyam na araw. Minsan, tumatagal ang pagdinig sa badyet ng may sampung oras. Palagi kasing kumpleto ang mga kongresista. May quorum lagi.

Sa kabila niyan, imbes na purihin ang Kamara, binabatikos pa ni Senator  Panfilo Lacson at  Senate Minority Leader Franklin Drilon ito. Bakit?  May paratang si Lacson tungkol sa bilyones daw na ‘’pork barrel’ para sa mga kongresista, pero binawi rin nya. Si Drilon naman ay nagpahayag na babantayan daw nila ni Lacson ang badyet dahil ang pagbuo ng Small Committee ng Kamara para talakayin ang mga pagbabago sa badyet  matapos na maipasa ito ay maanomalya daw. 

Pero ang pagbuo ng Small Committee ay matagal nang ginagawa sa Kongreso, noong 8th Congress pa sa pana­hon ni Senate President Jovito Salonga. Sa rami ng miyembro sa Kamara ay kailangan talaga ang komiteng ito para maging maayos ang pagtatalakay sa napakadaming amendments. Pulos  wala sa hulog ang mga pasabog ng dalawang Senador. 

 Ilang beses nang  tiniyak ni Speaker Cayetano na walang ‘pork’ sa badyet pero pinipilit pa rin na meron kahit walang pruweba. Sabi nga ng Speaker, “kung may makita kayong pork sa badyet, ituro ‘nyo at tatanggalin natin.’ Bukas naman ang lahat ng dokumento tungkol sa budget. Madaling matukoy kung may kahina-hinala dito. Sabi nga ni Cayetano, sa panahon ngayon ng social media at Internet kung saan lahat ay naka-upload at post online, meron pa bang maitatago? 

 Ang lumalabas tuloy niyan ay nagiging mga ‘obstructionists’ o hadlang na sina Lacson at Drilon laban sa mga reporma ng Pangulo.

vuukle comment

ALAN CAYETANO

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with