Benepisyo ng salabat at luya
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2019 - 12:00am

ANG luya ay may tulong para sa masakit at pagod na kalamnan. Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers.

Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakababawas ng paninigas at sakit ng 40%.

Ang salabat ay maganda rin para sa pagduduwal, mabilis na pagpapagaling at pag-aalaga sa boses.

Salabat (ginger tea):

Subukan ninyong uminom ng isang tasa ng ma­init na salabat pagkagising sa umaga at sa bandang hapon. Ayon kay Dr. Rafael Castillo, hindi lang ito pampaganda ng boses dahil marami pa itong bene­pisyo.

1. Pinagaganda ang takbo ng dugo -- Nakatutulong itong gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang cholesterol. Nakatutulong din ito para linisin ang daanan ng dugo.

2. Nagpapalakas ng immune system -- May taglay itong Gingerols at Gingerdiol na nakatutulong laba­nan ang mga virus at bacteria at palakasin ang resistensya. Tumutulong din itong labanan ang cancer cells.

3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng mens­truation o dysmenorrhea.

4. Nagbabawas ng pamamaga -- Nakatutulong para bawasan ang arthritis at pananakit ng ibang parte ng katawan.

5. Para sa stress -- Nagdadala ng ngiti sa labi dahil nagtataboy ito ng stress. Nakatutulong ito na makalma ang ating nerves.

6. Nag-aayos ng panunaw at pag-absorb ng sustansiya mula sa ating mga pagkain.

7. Nakatutulong na ma-improve ang memory at ibang function ng utak.

RAFAEL CASTILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with