^

PSN Opinyon

Pangakong napako

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga ipinangako ni Presidente Duterte nang siya ay kumakampanya pa sa pagka-pangulo ay ang pagtanggal sa contractualization upang magkaroon ng security of tenure ang mga manggagawa. Isa iyan sa dahilan kung bakit pinili siyang maging Pangulo ng bansa, lalo na ng mga obrero. Siguro, akala ng Pangulo noon ay madali niyang magagawa ito dahil mayroon siyang political will. Pero tila bumigay siya sa matinding pressure mula sa sektor ng negosyo.

Pero ngayon, ang panukalang batas na siya mismo ang nagsertipika noong isang taon bilang urgent bill ay kanya nang tuluyang ibinasura  (vetoe) ilang araw bago ito mag-lapse into law. Marahil, nagtagal sa pagpapasya ang Pangulo dahil kontrobersyal ang isyu. Sino ang dapat bigyan ng pagpapahalaga, manggagawa o negosyo? Kung obrero ang pipiliin, baka nga naman umatras sa pagnenegosyo ang mga investors at magdudulot ng unemployment.

Kahit nung mangampanya si Sen. Grace Poe na tumakbo rin sa panguluhan laban kay Duterte, nanga­ko rin siyang tutuldukan ang ENDO. Kung siya ang nanalo, malamang na hindi rin niya matutupad ang panga­ko. Malakas na impluwensya ang business sector na ma­lubhang maaapektuhan kapag tinanggal ang kontraktuwa­lisasyon. 

Ang dahilan ng Pangulo sa pag-vetoe sa Seurity of Tenure bill ay kailangan daw balansehin ang interest ng manggagawa at negosyo. Mayroon kasing mga negosyo na ang iniaalok sa ibang negosyo ay serbisyo tulad ng security agencies at janitorial services. Ngunit sadyang nakakalungkot ito. Lagi na lang last priority ang uring manggagawa sa mga patakarang binubuo ng pamahalaan.

Ang pamahalaan ay dapat nakakiling sa taumbayan at hindi sa mga elitistang sector. Dahil Ibig nating umakit ng mga mamumuhunan, ginagawa nating pain ang murang pasahod sa mga manggagawa.

Sa pananaw ko, kahit na sinong kandidato sa pagka-presidente na mangangakong tanggapin ang ENDO ay mabibigong tuparin ang pangako dahil sa tindi ng pressure mula sa mga negosyante.

Natural tatanggap ng papuri mula sa mga negosyante ang Pangulo pero  ngitngit naman mula sa mga obrero na kakatiting na nga ang sahod ay hindi pa ma-regular sa trabaho.

 

 

 

CONTRACTUALIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with