^

PSN Opinyon

Death penalty ipasa na

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SAPAT na siguro ang mga nangyayaring krimen sa kasalukuyan upang ibalik na ang death penalty. Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawang pagpatay ngayon sa ating mga kababayan, kahit simpleng away lamang o walang kakuwenta-kuwentang bagay ang pinagtatalunan, merong napapatay.

Wala nang takot pumatay ang mga kriminal at  kapag nasakote sila ng mga pulis, katwiran nila, lango lang sa droga nang isagawa ito at humihingi ng tawad sa pamilya ng napatay.

Meron pang tatlong taon na nalalabi si Pres. Digong Duterte sa puwesto at ngayong hawak niya ang mayorya sa Kongreso. Siguro naman wala nang magiging balakid pa sa pagpasa ng death penalty. Tiyak pag naipatupad ‘yan mahaba ang pila para sa mga bibitayin.

Sinasabi ko sa mga nakaraang kolum, bitay lang ang puwedeng katakutan ng mga kriminal. Kaya gusto ko, habang nasa puwesto si Digong maipatupad ‘yan dahil no mercy siya. Kapag sinabi, ginagawa niya. Diyan maaring magdalawang isip o tumigil sa binabalak nila ang mga kriminal.

At ito pa ang isang problema ng gobyerno, punumpuno na ang mga bilangguan at nagkakahawaan na ng sakit ang mga bilanggo. Sa kabilang banda, pinakakain at ina­alagaan sila ng gobyerno kaya para sa akin ‘yung mga criminal na mabibigat ang kaso, bitayin na lang.

Karapat-dapat lang na sila ay parusahan din tulad ng ginawa nila sa biktima. Di ba ayon sa kasabihan “kung buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran”. Kasi kung pagkakakulong lang, may posibilidad na makalaya at babalik ang mga ‘yan sa dating gawi.

Sa araw-araw na milyones ang halaga ng drogang nasasabat, idagdag pa ‘yan upang mas lalong mapabilis ang pagpasa ng death penalty sa ating bansa. Maraming kabataan ang masisira ang kinabukasan kung hindi masasawata ang droga sa bansa.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with