^

PSN Opinyon

Taga-S2 ng Rizal PNP, ‘attack dogs’ ni Tata Rudy!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SA ibang police stations sa Pinas, ang S2 o intel ay nagpa­pakamatay para habulin ang mga kriminal at kalaban ng gobyerno, lalo na ang New People’s Army. Sa Antipolo City, iba ang kalakaran ng S2 dahil security sila ng gambling lord na si alyas Tata Rudy. Anyare? Imbes na sa kalye itong mga taga-S2 para makakalap ng intel report, abayyyyyy mag­hapon silang nagpapalamig sa tatlong palapag silang bahay ni Tata Rudy sa isang magarang subdivision. Ano ang ginagawa?

Sinabi ng mga kosa ko na naglalaro lang sila ng chess. Araguyyyyy! Hindi public service itong ginagawa ng taga-S2 tulad ng sinumpaan nilang trabaho kundi bulsa service. Ano pa nga ba?

Alam kaya ni Col. Felipe Maraggun, ang hepe ng Rizal PPO itong ginagawa ng kanyang mga tauhan? Paging PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir, pakibusisi nga itong gawain ng S2 ng Rizal PNP at sinasayang lang nila ang buwis ng taong-bayan na ibinabayad sa kanila. Dipu­gaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan, Gen. Marbil Sir! Itong taga-S2 ay nagsisilbi ring “attack dogs” ni Tata Rudy. Sinabi ng mga kosa ko na itong si Tata Rudy ay gustong kopohin ang palaro, legal man o illegal, sa Antipolo City. Kapag pumasok ang financier ng sugal-lupa, lalo na ang perya, nais ni Tata Rudy na kasosyo o bakas siya. Kaya lang, sosyo-laway ang kan­yang sistema.

Ang ibig sabihin ng mga kosa ko Gen. Marbil Sir, kapag panalo ang bangka, masayang nakikihati sa kita si Tata Rudy. Subalit kapag natalo ang bangka, abayyyyy hindi na makita si Tata Rudy at hindi rin sumasagot sa mga tawag sa kanya. Magulang din si Tata Rudy, no mga kosa? He­hehe! Magiging milyonaryo talaga itong si Tata Rudy dahil ‘pasok’ palagi ang drive n’ya. Mismooooo!

May iba namang sumubok na magbukas ng sugal lupa sa Antipolo na walang “go signal” kay Tata Rudy. Kaya lang nakahanda ang taga-S2 na may alyas na Miles, Guiban, Rey at isa pang bagitong pulis na pamangkin ni Rey para salakayin ang puwesto mo. Get’s n’yo mga kosa? Hayan Gen. Marbil Sir, may mga pangalan ka na ng mga “attack dogs” ni Tata Rudy, at puwede mo na silang hambalusin. Eh di wow!

Ilambada mo na rin ang bagman ni Lt. Col. Ryan Manongdo­ na si Sgt. Pacheco para magsama-sama sila sa malayong lugar. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Itong si Tata Rudy, ayon pa sa mga kosa ko, ay sanggang­ dikit ng matandang Ynares kaya’t hindi maigalaw nina Col. Maraggun at Lt. Col. Manongdo ang kanilang kamay na bakal laban sa raket n’ya. Open secret naman ‘yan mga kosa na hindi magiging director ng Rizal PPO itong si Maraggun kung walang basbas ng pamilyang Ynares. Mismooooo!

Kaya maliwanag pa sa bolang kristal ni kosang CNN na si Gen. Marbil lang ang may kakayahan na disiplinahin itong taga-S2 na nagsisilbing close-in security ni Tata Rudy. Ang sakit sa bangs nito.

Nasa kainitan sa pagpatupad ng mga programa itong si Gen. Marbil upang ibangon ang imahe ng PNP at t’yak hahatakin ito pababa ng ginagawa ng taga-S2 ng Rizal. Sampolan mo na sila, Gen. Marbil Sir, para hindi na pamarisan pa. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with