_ngayon
^

Hindi laging bigo

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2018 - 12:00am

Laging iba-iba ang swerte ng tao

May nagtatagumpay at may nabibigo;

May’rong nasasawi sa kanyang pagsuyo

May nagtatagumpay sa kanyang pagsamo!

 

Kung palaging bigo sa mga hakbangin --

Darating ang araw magtatagumpay din;

Kailangan lamang tapat na damdamin

Upang ang tagumpay makayang abutin!

 

Katulad ng ngayon hanap ay trabaho

Kung kulang sa sikap tiyak mabibigo;

Tapat na hangaring nasa kanyang puso

Magandang trabaho tiyak matatamo!

 

Katulad ng ibon na lipad nang lipad

Hindi niya alam kung saan tatahak;

Isang namamaril ng ibon sa gubat --

Tiyak mag-uuwi ng ibon sa anak!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with