Paghamon
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

ISANG barkong pandigma ng Amerika ang lumayag malapit sa isang isla sa grupo ng Paracel Islands noong Sabado. Ang grupo ng mga islang ito ay pinagtatalunan ng Vietnam, Taiwan at siyempre, China. Ginawa ito ng Amerika para siguraduhing malaya pa rin ang mga daanan ng barko sa rehiyon. Sa paniniwala ng Amerika ang bahagi ng karagatang ito ay international waters pa rin, sa kabila ng pag-aangkin ng China.

Ito ang pangalawang barkong pandigma na lumayag malapit sa islang inaangkin ng China. Noong Oktubre, lumayag ang USS Lassen malapit sa islang inilikha ng China. Malakas ang panawagan ng Kongreso ng Amerika kay Pres. Barack Obama na gawing madalas na ang paglayag ng mga barko sa nasabing lugar, bilang hamon sa pag-angkin ng China sa karagatan. Kaya daw ganyan na ka-arogante ang China ay dahil walang pumalag sa kanila na malaking bansa. Wala naman daw kinakampihan ang Amerika sa kasalukuyang pagtatalo ng mga bansa, pero ang gustong siguraduhin ay ang malayang paglayag ng mga barko sa karagatan.

Siyempre, umangal ang Beijing, at sinabing luma­bag sa mga batas nila ang barko. Pero puro salita pa lang ang lumalabas mula sa Beijing. Hindi rin ako naniniwala na papalagan nila ang Amerika, kahit sa tingin nila ay malakas na ang kanilang militar. Pero noong 1974, nagkaroon na ng labanan para sa pag-angkin ng Paracel Islands. Naglaban ang mga puwersa ng Vietnam at China para sa kontrol ng nasabing mga isla. Nagpalitan ng putok ang mga barkong ipinadala sa lugar. Nagkaroon din ng labanan sa mga isla mismo nang magpadala ng mga sundalo ang magkabilang panig. Nang matapos na ang labanan, lahat nang barko ng Vietnam ay nagtamo ng danyos, at lumubog pa raw ang isa. Higit 70 ang namatay sa panig ng Vietnam, 18 naman sa China. Sa kinalaunan, nakontrol ng China ang lahat nang isla sa Paracels, na hanggang ngayon, inaangkin pa rin ng Vietnam.

Kung barko kaya ng Vietnam o Taiwan ang lumayag malapit sa Paracels, angal lang kaya ang gagawin ng Beijing, o mas marahas na ang kilos dahil alam na kayang-kaya nila ang dalawang bansa? Kaya dapat lang maging madalas na ang pagpatrol ng mga barkong pandigma ng Amerika, at iba pang mga bansa para lang siguraduhin na malaya pa ang karagatan. Hindi na puwedeng pabayaan na lang ang China angkinin ang buong karagatan, kung saan kinakailangan pang magpaalam bago makalayag ng malaya sa lugar.

AMERIKA ANG BARACK OBAMA BEIJING CHINA KAYA MGA NOONG OKTUBRE PARACEL ISLANDS PARACELS PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with