‘Habol-accomplishment’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

ITO na ang panahon ng aliwang-pangnasyunal. Lahat sa ngalan ng nalalapit na eleksyon.

Sino ba naman ang ayaw ng recall? Kaya ang mga proyekto, aktibidad at programa ng gobyerno na dapat noon pa ginawa, ngayon pa lang inihahabol.

Tulad nitong si DOTC Sec. Joseph Abaya. Ipinanga­ngalandakan niya, gumagana na raw ang mga escalator sa mga istasyon ng MRT.

Salamat ha!

Gusto kasi yata ni Abaya, pasalamatan, palakpakan at saluduhan siya ng taumbayan. Na sa tinagal-tagal ng kalbaryo ng mga pobreng mananakay ng tren, sa wakas, naayos na rin ang mga escalator. Nakalimutan yata ng kalihim na ito ang dahilan kung bakit siya inilagay sa DOTC. Kasi kung wala rin lang siyang silbi, huwag na siyang kapit-tuko sa pwesto. Sayang lang ang pinapa-sweldo sa kaniya ng tao.

Ngayon, pilit naghahabol sila ng accomplishment. Alam kasi ng kinaaaniban niyang partido na maa­apektuhan ang kanilang manok sa eleksyon. Pero mabuti na rin at inayos na ang escalator. Para kahit papaano, bago man lang matapos ang termino ni PNoy, may nagawa sila sa matagal nang pupugak-pugak nang MRT.

Kahit papaano, nabawasan ng kaunting dangkal ang kanilang kapalpakan at kapabayaan. Hindi ‘yung tuwing may aberya, ang lagi na lang nilang pinagbubuntunan ng sisi, nakaraang administrasyon. Pero papano naman ang mala-sardinas na tren? Kailan masasakyan ang mga bagong bagon? Kumusta naman ang air-condition? Malapit na naman ang tag-araw.

Sec. Abaya, tigil na ang palabra at dada!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN ABAYA ACIRC ALAM ANG IPINANGA JOSEPH ABAYA KAHIT KAILAN NBSP PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with