^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Graphic warnings sa yosi pack, binabalewala

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON (Nobyembre 5, 2015) ang itinakdang petsa sa cigarette companies para ilagay sa pakete ng mga sigarilyo ang mga larawan ng sakit na nakukuha sa pagyoyosi. Subalit walang nakitang pagbabago sa mga kaha ng sigarilyo. Walang mga retrato roon o kahit ang babala na ang paninigarilyo ay nagdudulot ng cancer.

Malinaw na binabalewala ng mga kompanya ng sigarilyo ang nakasaad sa Republic  Act 10643 na nilagdaan ni President Noynoy Aquino noong nakaraang taon. Nakasaad na inaatasan ang mga kompanya na lagyan ng graphic warnings ang mga pakete ng sigarilyo at dapat naka-print na ito sa Nobyembre 5, 2015. Kabilang sa mga ilalagay sa kaha o pakete ng sigarilyo ay mga retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo gaya ng cancer sa baga, lalamunan, bibig, pisngi, dila, emphysema, katarata at sakit sa puso.

Ang hindi pagsunod sa batas ay nagpapahiwatig na may sinasandalan ang mga kompanya ng sigarilyo kaya hanggang ngayon, wala pang nakikitang graphic warnings sa mga pakete ng yosi. Maaring nakakuha ng simpatya ang cigarette companies sa Department of Trade and Industry (DTI). Umano’y nagla-lobby ang mga kompanya ng yosi sa DTI para maatrasado o huwag nang mailagay sa pakete ang graphic warnings.

Kahapon, nagpahayag ng pangamba ang mga cancer survivors (mga dating naninigarilyo) na hindi masunod ang batas na nilagdaan ni P-Noy. Bukod sa mga retrato ng sakit, obligado rin ang mga cigarette companies na ilagay ang mga mensahe na nagpapaalala na masama sa kalusugan ang paninigarilyo. Ayon sa Department of Health (DOH), 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Nasa panganib din umano ang mga taong laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.

Sa Southeast Asia, tanging ang Pilipinas na lamang ang walang graphic warning sa kaha ng sigarilyo. Sa ginawang pag-aaral, maraming tumigil sa paninigarilyo nang makita ang nakaririmarim na sakit na nakalarawan sa kaha ng yosi. Nabawasan ang bilang ng mga nagyoyosi sa Thailand, Australia at Canada.

Ipatupad ang RA 10643. Huwag balewalain ang batas.

vuukle comment

ANG

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HUWAG

MGA

NOBYEMBRE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SA SOUTHEAST ASIA

SIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with