^

PSN Opinyon

Ipagpapatuloy? Ang alin?

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NANG ibalita ni Senator Grace Poe-Llamanzares na tatakbo siya sa pagka-presidente at ipagpapatuloy ang ipinaglaban ng kanyang surrogate father na si FPJ, bigla akong nahilo!

Labis akong nahiwagaan sa sinabi mo Madam Senator, dahil ang tanging alam nang marami na naging laban ng iyong ama ay nang mag-isa niyang lipulin ang napakaraming sundalong Hapones, o kaya ay mag-isa niyang pinagpapatay ang mga kontrabidang salot ng lipunan.

Pasintabi po sa isang mabuting tao na matagal nang nama­yapa, pero labis talaga akong nahiwagaan sa sinabi mong ipagpapatuloy ang laban ng iyong ama, isang screen hero regarded by his millions of fans as bigger than life.

Madam Senator, ano po ba ang ipinaglaban at ginawa ng iyong tatay para tulungan ang mahihirap at labanan ang pang-aapi?

Binanggit mo rin na ang pagtakbo mo bilang presidente ay nakaangkla sa accomplishments ng iyong ama. Dahil wala pong available record tungkol sa public service na ginawa ang tatay mo, kaya kung maari ay magbigay ka ng katibayan. Please educate us on this matter Madam Senator. Gusto po naming malaman ang record ng tatay mo sa public service at hindi po ang nagniningning niyang record bilang Best Actor sa Famas Awards ng maraming beses at bilang isang National Artist na tinanggap mo mula kay President Noynoy at inyong tinanggihan ng una itong ipinagkaloob sa iyong ama ni President Arroyo. Baka po nagkaroon ako ng instant amnesia kaya hindi ko na ito matandaan.

At saka ang sabi po ng iyong mga kritiko, mahilig ka raw sa
“mangga.” Dahil wala raw katapusan ang iyong pagiging manggagamit sa apelyido ng iyong ama samantalang sang-ayon sa batas, ang isang babaing may asawa ay dapat gamitin ang apelyido ng mister.

Totoo po ba na ikaw ay mainipin kaya ayaw mong gamitin ang mahabang apelyido ng iyong mister? Kaya ang patuloy mong gina­gamit ay ang maikling apelyido ng iyong surrogate father­. Hindi ako magbibigay ng reaksiyon sa kasong isinampa sa Senate­ Electoral Tribunal dahil ito ay kasalukuyang dinirinig, kaya subjudice. Bukod dito, aaminin ko na talagang litung-lito ako sa iyong sinabi na ipagpapatuloy mo ang laban ng iyong ama.

Ganoon pala naman ang gusto mong mangyari ba’t nagpulitiko ka pa. Ipagpapatuloy mo ang laban ng iyong ama, ang ibig po bang sabihin, mag-aartista ka na rin?

Excited na po ako na panoorin ka sa big screen.

ACIRC

AMA

ANG

BEST ACTOR

DAHIL

ELECTORAL TRIBUNAL

FAMAS AWARDS

IYONG

MADAM SENATOR

NATIONAL ARTIST

PRESIDENT ARROYO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with