_ngayon
^

PSN Opinyon

Ang Taguig ngayon!

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Maraming patrabaho sa Taguig

Pinapaganda pa ang maraming panig;

Ang mga lansangan ginawang malinis

kanal at estero nagbabagong bihis!

 

Ito’y iniutos ng butihing Mayor

Lani Cayetano misis ng Senator;

ng katulad niya’y tagapagtanggol

ang lahat ng bagay ay nasa ayos!

 

Tahanan at pension ng mga sundalo

sabi’y isusunod na ayusin dito;

ang mga squatter na marami rito

ay ilalagay na sa ayos na pwesto!

 

Ibabawal na rin sa mga libingan

ang hindi marapat doon manirahan;

mga mararalita naghahanapbuhay

ilalagay sa ayos na pamilihan!

 

Sa ngayon Bonifacio Global City

ay asensado na at di nahuhuli;

sa ganda at ayos s’yudad na malaki

malalaking building maganda sa gabi!

 

Mga negosyante’t mayayamang tao

dito’y naglipana sa lahat ng dako;

mumurahing damit sapatos na bago

nasa Market Market saka mga kanto!

 

Kung pamilihang class narito ang SM

ang mga paninda ipagmamalaki rin;

ang mga kainang dito’y papasukin -

putaheng pangmadla masarap kainin!

 

Ang Taguig sa ngayon ay magandang pook

pulis, security ay handang maglingkod;

mga mamamayan pawang sumusunod

dayuhan at local may takot sa Diyos!

ACIRC ANG ANG TAGUIG BONIFACIO GLOBAL CITY DIYOS IBABAWAL ITO LANI CAYETANO MARKET MARKET MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with