^

PSN Opinyon

Iligal pero tuloy pa rin!

KA KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG sinasabing walang nagbebenta ng mga malalakas na paputok ngayon dahil sa ipinagbawal na, mapapahiya lang ito dahil sa kung talagang gugustuhin, makakabili ka pa rin! May nakapanayam akong mga mahihilig sa malalakas na paputok, kung saan hawak-hawak nila ang tinatawag na “Crying Bading” at “Ampatuan”. Ibang klase rin ang mga pangalan ano! Sa laki ng mga pasabog ay maiintindihan mo kung bakit may mga nawawalan ng braso o nasasabugan ang mukha at nabubulag! Hindi biro ang pasabog kaya ayon sa mga may-ari ay may mga patakaran silang sinusunod bago sindihan ang mga paputok na ito. Namimili sila ng lugar na malawak, at hindi puwedeng nakainom ng alak kung planong sindihan ang mga bomba! Mabuti kung nasusunod naman lahat iyan!

Parang iligal na droga ang pagbili ng mga nasabing paputok. Kailangan handa na ang inyong pera at mabilis maitago ang kontrabando kapag nabayaran na! Malaking multa at baka may kulong pa kung mahuli kang may mga ganitong mga pasabog. Sa Laguna, isang bahay ang ginawang imbakan ng mga bawal na paputok. Walang permit magbenta at mag-imbak ang may-ari nung bahay, kaya huli siya! Talagang hindi mo matatanggal ang hilig ng ilang tao sa malakas na sabog! Kaya may nagbebnta nang patago ay dahil sa may naghahanap pa rin. Kahit ang karamihan ay umiiwas na sa mga paputok at puro pailaw na lang ang gusto, meron at meron pa ring humahanap nung mga bawal. Siguro kasi bawal kaya lalong hinahanap, di ba? Hintayin na lang sa balita ang mga magiging biktima nung mga delikadong paputok na iyan! Kung hindi mawawala ang mga iligal na paputok, hindi rin mawawala ang mga masasaktan ng mga ito, hindi mawawala ang mga pasaway.

Hintayin din natin ang malakas na pasabog ni President Aquino, na mukhang may sariling pasabog din para sa bansa. Isang kilos na ngayon pa lang, kahit haka-haka pa lang ang mga lumalabas sa mga balita, ay humahango na ng pintas at dismaya mula sa ilang sektor. Wala na ba raw ibang magagawa si President Aquino ukol dito? Anong magagawa natin, di ba? Anong magagawa natin kung malakas talaga, ang pasabog ng mga paputok!

vuukle comment

AMPATUAN

ANONG

CRYING BADING

HINTAYIN

KUNG

PAPUTOK

PRESIDENT AQUINO

SA LAGUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with