^

PSN Opinyon

Ukol uli sa mga Balloguing (7)

BANAT NI BATAGUIS - Bening Bataguis - Pilipino Star Ngayon

NANGANGANIB ang buhay ni Orly Podillo, ang confessed gunman ni Pio “Jessie Boy Balloguing. Masasabi kong naiipit siya sa nag-uumpugang bato. Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Orlando Balloguing, ang municipal administrator ng Pugo, La Union, na pulitika ang nasa likod ng pagsampa ng CIDG ng kasong parricide at obstruction of justice laban sa kanya at asawang si Mayor Noemi Balloguing, Padillo at dalawang iba pa.

Para patunayan ang bintang niya, nagsumite rin si Orlando ng affidavit ng mga magulang ni Podillo na sina Benjamin at Erlinda at Evelyn Fang na nagsasaad na nilapitan sila ng kalaban niya sa pulitika para magtestigo laban sa kanya. Sinabi ng mag-asawang Podillo na gusto silang suhulan para isangkot si Orlando sa pagkamatay ni Jessie Boy samantalang si Fang naman ay nagsabing pilit siyang pinatestigo sa kaso at ituro nga ang dating mayor na siyang bumaril sa anak. Si Orlando ay tatakbong mayor sa May election kaya inuulan siya ng batikos at puna ukol sa pagkamatay ng kanyang anak na si Jessie Boy.

Sa ganang akin, kung itong mga magulang niya at si Fang ay nilapitan para idiin si Orlando sa kaso, hindi nalalayo na pati si Podillo ay ganun din ang gagawin ng mga kalaban niya sa pulitika. Kaya dapat siguraduhin ni Orlando na hindi aalis sa bakuran niya si Podillo dahil kapag “kumanta” ito baka mag-iba ang kambyo ng hangin at siya ay mapeligro. Kaya ang sentro ng pansin nitong nagdaang araw ng kampo ni Orlando at kalaban niya sa pulitika ay si Podillo. Pinag-aagawan ang serbisyo niya  na maaring humantong sa hindi maganda.

Matatandaan na si Podillo ay sumuko kay Orlando ilang oras matapos mabaril si Jessie Boy. Ayon kay Podillo, dinipensa lang niya ang kanyang sarili. Subalit hindi naman sinabi ni Podillo kung ano ang pinag-awayan nila ni Jessie Boy at lalong hindi naman niya inilabas ang ginamit niyang baril. At marami ang nagtaas ng kilay kung bakit kay Orlando sumuko si Podillo at hindi sa pulisya. Ibig bang sabihin niyan mas may tiwala si Podillo kay Orlando kaysa pulisya? E ama ni Jessie Boy si Orlando at maaring galit na galit ito sa pagkamatay ng anak kahit na may sigalot na namagitan sa kanila. Kaya ang ugong sa Pugo “fall guy’ lang si Podillo. Ano ba ‘yan?

Si Podillo ay kinasuhan ng homicide subalit ibinasura ng korte dahil na rin sa affidavit of desistance ni Orlando at Meriam, ang asawa ni Jessie Boy. Kaya hiniling ni Podillo na ibasura rin ng korte ang murder case na isinampa ng CIDG laban sa kanya dahil sa double jeopardy na ito. May katwiran si Podillo dito. Pero habang di pa nagpapalabas ng desisyon ang korte sa kaso, dapat lang sigurong mag-ingat si Podillo. Malay n’yo?

Abangan!

 

vuukle comment

BOY

EVELYN FANG

JESSIE

JESSIE BOY

JESSIE BOY BALLOGUING

KAYA

LA UNION

NIYA

ORLANDO

PODILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with