^

Metro

1.7K wangwang, blinkers nakumpiska ng PNP-HPG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makaraan ang babala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, iniulat ng Phi­lippine Natio­nal Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na umaabot sa 1,707 iligal na wang-wang, blinkers at mga ipinagbabawal na car accessories ang kanilang nakumpiska sa pagpapatupad ng  Presidential Decree (PD) 96.

Batay sa datos ni PNP-HPG director Brig. Gen. Alan Nazarro, nakumpiska ang mga wangwang, sirena at blinkers sa kanilang operasyon mula Marso 25 hanggang Abril 22, 2024.

Sa 1,707 illegal devices, 957 ang led lamps; 300, blinkers; 179 fog lights, 134 modified mufflers, 78 horns, 48 strobe lights at 11 wang-wang.

“Ang inyo namang HPG bilang guardians of the highways is pinapatupad natin ang batas fair and square. Wala tayong sinisino pagda­ting sa implementation ng batas lalo na yung PD 96,” ani HPG Special Operations Division chief Col. Joel Casupanan.

Lumilitaw na ang Region 4A (Calabarzon) ang nangunguna sa mga nakakumpiska ng mga unauthorized accessories na sinundan ng Region 11 (Davao) at Region 13 (Caraga).

Una nang sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi lamang mga motorista ang kanilang hahabulin kundi maging ang mga motorshop na nagtitinda ng mga wang-wang at blinkers.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with