^

Metro

Puganteng Kano arestado sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkaaresto sa isang American national na wanted sa mga federal authorities sa Texas dahil sa isang criminal offense.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang puganteng dayuhan na nakilalang si Myklr Aphrodite, 43, ay inaresto nitong Huwebes sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU).

Sinabi ni Tansingco na si Aphrodite ay ina­resto sa bisa ng isang mission order na inisyu sa kahilingan ng US embassy sa Maynila na humingi ng tulong sa pagtunton at pag-aresto sa dayuhan.

Ang Amerikano ay nakapiit na sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin pa ang deportation proceedings laban sa kanya.

Ayon sa US authorities, si Aphrodite ay subject ng outstanding arrest warrant na inisyu ng US district court sa Mclennan county, Texas noong Disyem­bre ng nakaraang taon.

Siya ay sinampahan ng kaso sa hukuman dahil sa unlawful use ng criminal instruments, na paglabag sa Texas penal code.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with