^

Metro

Japan hiniling na ang deportasyon ni alyas Luffy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang hiniling ng gobyerno ng Japan sa Pilipinas na ipa-deport na ang apat nilang citizen na pinaghihinalaang sangkot sa serye ng nakawan sa kanilang bansa kabilang na si alyas Luffy na nakaditine sa Bureau of Immigration warden facility sa Taguig City.

Sinabi ni Japanese embassy media relations officer Akihiko Hitomi na naipadala na ang kahilingan sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ay ang pagnanakaw at pagpatay sa isang 90-taong gulang na babae sa Tokyo noong Enero 19.  Higit sa 30 suspek na ang nadakip sa Japan habang pinaniniwalaan na ang instruksyon sa mga pagnanakaw ay mula sa Pilipinas gamit ang encrypted message.

Samantala, sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano na nais muna nilang siguruhin na walang nakabinbin na kaso dito sa Pilipinas ang mga Hapones na sina Watanabe Yuki o alyas “Luffy”, Imamura Kiyoto at tatlong iba pa bago sila i-deport pabalik sa kanilang bansa.

Ipinaliwanag ni Clavano na hindi maaa­ring isakatuparan ang deportation proceeding kung may kinakaharap pang kaso ang isang dayuhan. Tulad ni Watanabe na sinasabing may kasong paglabag sa “violence against children and women” na inaalam ngayon ng DOJ kung totoo ito o gawa-gawa lang ang kaso. Aalamin kung walang merito ang kaso sa korte at kapag na-dismis, aabot pa ng 10-15 araw bago sila mapa-deport.  Pinag-aaralan naman ngayon ng DOJ kung may iba pang paraan para mapabilis ang deportasyon ng mga Hapones.

Nakatakda namang makipagpulong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga opisyal ng Japanese Embassy para pag-usapan ang isyu.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with