^

Metro

Kano huli sa P20 milyong halaga ng cocaine

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kano huli sa P20 milyong halaga ng cocaine
Kinilala ang suspect na si Stephen Joseph Szuhar, 75, galing Doha Qatar sakay ng eroplanong Qatar Airways flight 932 na sinakyang nito pero  sa Brazil ang kanyang  Port of origin.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang American  national ang hinuli ng mga awtoridad nang lumapag sa Ninoy  Aquino International Airport (NAIA) matapos madiskubre sa dala niyang  maleta ang nasa 3.7 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng nasa P20 milyon.

Kinilala ang suspect na si Stephen Joseph Szuhar, 75, galing Doha Qatar sakay ng eroplanong Qatar Airways flight 932 na sinakyang nito pero  sa Brazil ang kanyang  Port of origin.

Unang pagkakataon ni Szuhar na bumiyahe sa Pilipinas. at pupunta raw sa isang bangko sa Maynila.

Una nang nakatanggap ng report ang mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA at PDEA patungkol sa tangkang pagpapasok ng ilegal na droga partiklular ang cocaine sa bansa.
Nasabat ang cocaine sa bagahe ni Szuhar, Martes ng gabi  sa NAIA matapos isailalim sa inspeksyon.
Nang buksan ay  tumambad ang nasa 3.7 kilo  ng cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P20 mil­yon. Samantala sa isa pang operasyon  mahigit 1,140 gramo ng shabu ang nasabat ng pulisya na laman ng isang package galing ng London, sa Bacoor City .

Inaresto ng pulisya ang tumanggap ng package na nakilalang si Noelle Denise Azul, dalaga, 29, habang wala sa nasabing bahay ang mismong recipient o nakapangalan sa package na si Octavia Dela Cruz, 30.

Dumating ang package sa BOC Port of Clark nitong Setyembre 23 kung saan idineklarang mga baby soft toys.

Nang dumaan ito sa x-ray inspection  at dito nakumpirma na droga ang laman nito na nagkakahalaga ng ?7,866,000.00. Butch Quejada, Cristina Go-Timbang

AMERICAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with