^

Metro

3 huli sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang dinakip ng mga tauhan ng Southern Police Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) at Pasay City Police sa isinagawang drug operation kamakalawa.

Kinilala ni Pasay City Police Station chief, P/Col. Cesar Paday-os ang mga nadakip na suspek na sina Maichang dela Cruz Yamane, 29; Maureen Flores Lacson, 25; at Gertics Barias Demanarig, 31.

Dakong ala-1:00 ng hapon kamakalawa nang isagawa ang operasyon sa Guiho St. sa Brgy. 145, Pasay City.

Nasamsam ang 19 na heat-sealed plastic sachet ng 28 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P190,440.00 at na­rekober ang isang .22-caliber pistol na may 22 bala.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip na suspect.

DRUG OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with