78% ng target population sa Quezon City, fully vaccinated na
MANILA, Philippines — Nasa 78 percent na ng kabuuang target population ng Quezon City ang fully vaccinated.
Ito ay makaraang umabot na sa 2,987,968 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program ng QC government sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.
Sa mahigit 2.9 million doses ng bakuna, 1,754,345 o 103.20% ang nabakunahan na ng first dose, habang 1,233,623 o 76.80% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Sa kabuuan, 1,327,353 o 78.08% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Samantala, nagbukas naman ng 37, 000 slots ang QC Government para sa mga hindi pa nakakakuha ng kanilang first dose.
Base sa Facebook page ng lokal na pamahalaan, maaari ng magbook online sa QC Vax Easy ang mga nais magpabakuna para makakuha ng kanilang schedule.
- Latest