^

Metro

Medical certificate posibleng hanapin sa mga biyahero

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero na magtutungo sa iba’t ibang destinasyon sa bansa ngayong Kapaskuhan na alamin muna kung hinahanapan ang mga biyahero ng medical certificate at iba pang dokumento bago ituloy ang kanilang biyahe.

Sinabi ni Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na may ilan kasing lokalidad na hindi pinapayagan na makapasok sa kanilang lugar ang mga biyahero kung walang medical certificate na nagpapatunay na negatibo sila sa COVID-19.

Sa kabila nito, kakaunti naman ang mga bumibiyahe ngayon sa mga pantalan kumpara noong mga nakalipas na Kapaskuhan.

Sinabi ni Balilo na maaaring dulot pa rin ito ng COVID-19 dahil sa takot ng mga tao na mahawa ng virus.

“Hindi gaanong marami ‘yung mga nagta-travel, hindi siya katulad noong mga nakaraang panahon na pagka ganitong peak season ay dagsaan na po sa mga pantalan ang mga kababayan natin na gustong umuwi sa probinsiya,” ayon kay Balilo.

Sa kabila nito, nagpakalat pa rin ang PCG ng nasa 2,000 tauhan para umalalay sa mga biyahero ngayong Kapaskuhan.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with