^

Metro

Mobile shower, toilet truck aarangkada sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sagot sa matinding init ng panahon

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang matinding init ng panahon, aarangkada na ang dalawang mobile shower at toilet truck ng Valenzuela  City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes ­Gatcha­lian, nagpasya na silang bumili ng mga bagong mobile shower at toilet truck na iikot araw-araw sa mga komunidad na apektado ng water interruption.

Ang mga nasabing mobile shower ay magbibigay ng makapaghatid ng libreng shower lalo sa mga mahihirap at maiwasan ang sakit na dulot ng tag-init.

Nagkakahalaga ng ?12.75 milyon ang dalawang mobile shower at toilet truck na may walong shower cubicle, walong toilet cubicle, at anim na stainless steel hand washing sink.

Sa panahon naman ng mga sakuna gaya ng baha at sunog ay ide-deploy ang mga mobile shower at toilet truck sa mga evacuation centers.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng “Pwestong Presko Project” ng Valenzuela LGU na una nang nagrasyon ng tubig sa 17 public schools na walang access sa mga water refilling stations.

vuukle comment

GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with