Liquor ban ipapatupad uli sa Quezon City sa ilalim ng MECQ
Ito ay makaraang magpalabas ng memorandum order si QC Mayor Joy Belmonte na nagrerekomenda sa City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) na ipatigil ang pagbebenta ng alak sa bawat komunidad.
Philstar.com/ Era Christ R. Baylon
Liquor ban ipapatupad uli sa Quezon City sa ilalim ng MECQ
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bawal na ulit magbenta at bumili ng mga nakakalasing na inumin sa Quezon City sa pagbabalik implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula August 4 hanggang August 18 bilang bahagi ng hakbangin ng pamahalaan na maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID- 19.

Ito ay makaraang magpalabas ng memorandum order si QC Mayor Joy Belmonte na nagrerekomenda sa City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) na ipatigil ang pagbebenta ng alak sa bawat komunidad.

“Ito’y makatutulong para mapigil ang paglaganap ng virus sa ating mga komunidad na karaniwang nangyayari dahil sa pagtitipun-tipon ng mga tao,” pahayag ni Belmonte.

Aminado naman si CESU head Dr. Rolly Cruz na may insidente ng drinking sessions sa mga pampublikong lugar ang isang dahilan ng pagkalat ng virus lalo na sa mga lugar na naisailalim sa Special Concern Lockdown.

“There were various instances where those who contracted the virus claimed they simply went out for a drink with neighbors,”sabi ni Cruz.

Sa kautusan ni Belmonte sinabi nitong sa ilalim ng MECQ hindi maaa­ring magbenta ng alak ang sinuman at establisimiento kahit na ang mga ito ay may lisensiya.

Anya ang pag-inom ng alak ay maaari lamang sa loob ng tahanan.

Sa ilalim ng MECQ sa QC , bukod sa implementasyon ng liquor ban, pinaaalala ng city government na manatili sa tahanan ang publiko, walang pampasaherong sasakyan kundi tricycle lamang, walang mass gathering, walang dine-in at may quarantine pass/work pass ang mga lalabas ng bahay at may mga nakatalagang checkpoints.

LIQUOR BAN MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with