Pagsasalita sa loob ng tren ng LRT-1, ipinagbawal!
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) pagkalat ng COVID-19.
Sa isang panayam sa radyo kay LRMC Corporate Communications head Jacqueline Gorospe, napansin nila na marami pa ring pasahero ang nagtatanggal ng kanilang face masks sa loob ng tren lalo na kapag sasagot o tatawag sa kanilang cellphone.
“Knowing ‘yung COVID-19, nata-transmit siya through droplets, another layer of protection is if walang nagsasalita, walang lalabas na droplets,” ayon pa kay Gorospe.
“We remind our passengers na kailangan po i-postpone muna ‘yung call. Or if they need to talk, kailangan nakasuot ang mask,” she added.
Idinagdag pa nito na mayroon silang mga marshalls at LRT personnel na mag-iikot sa mga tren para ipatupad ang naturang protocol.
Samantala, inamin naman ni Gorospe na walo sa kanilang mga personnel ang nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na ilang buwan.
Sumailalim umano ang mga ito sa quarantine at dalawa o tatlo na ang nakarekober.
Nasa 50 porsiyento umano ang kanilang mga dineploy sa depot at iba’t ibang opisina noong ECQ at hanggang ngayong GCQ.
- Latest