^

Metro

Protocol sa ASF, ipatutupad ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Protocol sa ASF, ipatutupad ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isinagawang press confe­rence kahapon kaugnay sa protocol na ipapatupad ng lungsod na may kinalaman sa African Swine Fever (ASF).
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng sari­ling protocol ang Quezon City  government hinggil sa pag-inspeksiyon sa kaso ng African Swine Fever sa lungsod.

Ito ang inanunsiyo kahapon  ni   Mayor Joy Belmonte sa ipinatawag na press conference makaraang pulungin nito  ang mga may-ari at opisyales ng mga supermarket sa lungsod para pagtulungang maresolba ang usapin sa ASF. 

Ang pulong ay naipatawag ni Belmonte nang madiskubre ng mga tauhan ng QC hall na may naibebentang karne ng baboy sa dalawang supermarket sa Congressional at Commonwealth na kontaminado ng ASF

Kaugnay nito, sinabi rin ni Belmonte na hihilingin sa QC Council na gumawa ng batas na magpapatindi ng ngipin sa kampanya ng lokal na pamahalaan kontra ASF at magpapataw ng kaukulang parusa sa mga mahuhulihan  ng naibebentang karne na kontaminado ng virus.

Niliwanag din ni Belmonte na contained na ang kaso ng ASF sa QC noon pang Nob­yembre at nitong Enero, ang napaulat na karne ng baboy na naibenta sa QC Supermarket ay hindi nagmula sa lungsod kundi sa labas ng QC.

Inanunsyo rin ni Belmonte na batay sa ginawang pakikipag-usap sa mga opisyales at may-ari ng supermarkets ay nagkasundo silang isumite sa lokal na pamahalaan ang mga rekomendasyon at komento na maaaring mapagkunan ng ilang idea sa gagawing executive order hinggil sa kampanya kontra ASF.

Anya, ang pagtatanggal ng mga paninda sa mga tindahan na may virus ang isang malaking parusa sa may-ari ng contaminated na karne dahil dito pa lamang ay malulugi na ang negosyante.

Sa kanyang panig, sinabi ni Stephen Cua, Presidente ng Philippine Amalgamated Supermarket Assn, na binabantayan naman nila ang hanay para maprotektahan ang paninda mula sa ASF.

Iniulat naman ni Belmonte na sa Pebrero ngayong taon ay bawal na sa QC bilang isang urbanized city ang magkaroon ng mga babu­yan o backyard hog raisers upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with