^

Metro

3 bulagta sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao na pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang napatay sa naganap na buy-bust operation sa Port Area, sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na  sina Robby LLucas, alyas Robby, 29 , Port Area, Maynila; Sahir Mohamad Omar, New site Baseco, Port Area at isa pang lalaki na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Sa ulat ni PO2 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente   alas-11:05 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Delgado St., sa Port Area.

Nabatid na pakay ng isinagawang operasyon ng Station Anti-Illegal Drugs ng MPD-Station 5 si Robby na ‘tulak’ umano ng droga kaya’t nagpanggap na bibili ng shabu ang isang PO1 Ron Elly Galvez.

Habang nakikipagtransaksiyon sa suspek na si Robby ay nagmiskol ang pulis sa isang kasamahan sa operasyon, na pinagdudahan umano ni Robby.

Habang papalapit na umano sa bahay ni Robby ang iba pang operatiba ay kinuha na kaagad ng una  ang baril na .357 revolver at pinutukan ang mga pulis na nauwi na sa palitan ng putok. Tumulong pa ang dalawang kasamahan ni Robby sa pagpapaulan ng putok sa mga awtoridad.

Nang humupa ang putukan ay nakabulagta na ang tatlo. Nakuha sa pinangyarihan ang isang .357 caliber revolver na kargado ng mga bala at isang 9 mm pistol at mga  basyo ng bala mula sa kalibre 45, 9 mm, kalibre 38 at kalibre .357.

Nasamsam din ang marked money at 4 na plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with