Kelot naningil ng pautang, todas
MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na lalaki ang patay nang barilin sa batok ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Dagat-Dagatan, Navotas City.
Nangyari ang insidente bandang alas 3 ng madaling araw sa Tumana, Dagat-Dagatan, ng nabanggit na lungsod habang kausap ng biktima ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Ayon sa mga kaibigan ng biktima, nakipagkita ito sa isang lalaki na kanyang sisingilin sa utang.
Matapos na magka-usap, naglabas ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima sa ulo.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente at iniwan ang biktimang naliligo na sa kanyang sariling dugo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy suspek at motibo sa insidente.
- Latest
















