^

Metro

Mga guro sa San Juan, tatanggap ng P2k na dagdag na allowance

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagkalooban ng Valentine’s treat ni San Juan Mayor Guia Gomez ang mga guro ng mga public schools sa lungsod.

Nabatid na pagkakalooban sila ng local go­vernment ng tig-P2,000 dagdag sa kanilang allowance.

Inatasan kamakailan ng alkalde ang city council na kaagad na aksyunan ang kanyang panukalang madagdagan ang allowance ng mga public school teachers.

Ipinadala na rin ang draft ordinance na nag­lalaan ng kaukulang pondo para rito.

Ayon kay Gomez, na advocate ng education at family welfare, ikinukonsidera niya ang pagtuturo bilang isa sa pinakamarangal na propesyon kaya’t marapat lamang na kilalanin at bigyan ng katumbas na insentibo.

Ang ordinansa na sinertipikahang urgent ni Gomez ay nakatakdang isailalim sa deliberasyon at aprubahan ng city council ngayong Lunes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with