^

Metro

Chinese trader, biktima ng ‘dugo-dugo’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang negosyanteng Tsinoy ang natangayan ng mahigit P700,000 halaga ng alahas at cash makaraang mabiktima ng “Dugo-dugo gang” ang kanyang kasambahay sa Paco Maynila,  kamakalawa ng  gabi.

Sa reklamong idinulog kahapon sa pulisya ni Paolo Renen Hui, 27, ng Midtown Exe­cutives Homes, UN Avenue Paco, Maynila, naganap ang insidente alas- 5:00 ng hapon. Isang lalaki at 2 babae umano ang sinasabing  mga suspek.

Tinawagan umano ng isang nagpakilalang Mark Aquino ang housemaid niyang si Hazel Viloria, inakala nito na amo ang kausap sa kabilang linya hanggang sa ipasa ang telepono sa dala­wa pang suspek na isang nagpakilala umanong Arlene Garcia at Aileen.

Utos sa kaniya na dalhin ang lahat ng alahas at cash ng amo dahil naaksidente ito.

Agad namang sumunod ang kasambahay kung saan nakipagkita ang mga suspect sa isang mall sa Maynila at tinangay ang mga cash at alahas at doon na rin iniwan ang katulong.

Nasa kustodiya ang ka­sambahay kaugnay sa isinasagawang interogasyon kung may kinalaman ito sa modus operandi ng grupo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARLENE GARCIA

AVENUE PACO

HAZEL VILORIA

ISANG

MARK AQUINO

MAYNILA

MIDTOWN EXE

PACO MAYNILA

PAOLO RENEN HUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with