^

Dayo bulagta sa tandem

(Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Utas ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspects sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang inilarawang nasa 25-30-anyos, may taas na 5’2’’-5’5’’, kayumanggi, katamtaman ang pangangatawan,  nakasuot ng kulay maroon na t-shirt at puting bulaklaking short pants.

Sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas- 4:00 ng ma­daling-araw nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Avocado St., Lupang Pari, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Sa salaysay sa pulisya ni Noli Felicio, security guard ng Dargani Company, naka-duty siya nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa di kalayuan.

Nang kanyang tingnan ay nakita niyang mabilis na papaalis ang isang motorsiklo na sakay ng dalawang suspek habang ang biktima ay iniwang nakabulagta.

Ayon kay PO3 Ricardo Allapitan, imbestigador ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig Police, hindi taga-roon ang biktima dahil walang nakakakilalang residente rito.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pangalan ng biktima at ang mga suspek na responsible sa krimen. (Mer Layson)

 

ACIRC ANG AVOCADO ST. DARGANI COMPANY LUPANG PARI MER LAYSON NOLI FELICIO PASIG CITY PASIG CITY POLICE PASIG POLICE RICARDO ALLAPITAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with